Ang Patakaran na Walang Implementasyon ay Chismis Lang
Sa HR world, madalas nating marinig ang mga classic na reklamo: “Ang dami namang rules!”, “Ang strict naman!”, o kaya naman, “Eh wala namang nangyayari kahit lumabag ka.” Totoo nga naman—may mga companies na parang mala-military sa pagka-strict, at meron ding parang barangay hall na kahit anong violation, kinakamot lang ang ulo at ini-ignore. Pero ano nga ba ang tamang approach?
Dapat ba tayong maging masungit na HR na parang principal sa elementary school? O dapat ba tayong maging sobrang chill na parang tropa lang? The answer is neither. Ang tamang sagot: Policies should be firm, fair, and always enforced.
Nip It in the Bud – Prevention is Better Than Cure
Sa employee and labor relations, kung hindi mo sisimulan ang corrective action early, lalaki ang problema. Parang sakit lang ‘yan—kung sa unang symptoms pa lang eh naagapan mo na, hindi na lalaki sa mas malalang isyu. Dito pumapasok ang konsepto ng nipping it in the bud.
Ibig sabihin, pag may violation—maliit man o malaki—dapat aksyunan agad, hindi yung “palalagpasin na lang.”
Case #1: Ang Paboritong Late
Si Mark, isang software developer, ay laging late ng 10 to 15 minutes. Akala niya okay lang kasi hindi naman siya napapagalitan. Isang araw, nagulat siya nang biglang i-issuehan ng HR ng warning letter.
Mark: “Bakit ngayon lang ako bibigyan ng memo? Eh dati hindi naman bawal ang late?”
HR: “Hindi naman sa hindi bawal, Mark. Hindi lang namin pinapansin noon. Pero mali pala ‘yon.”
Mark: “Eh bakit si Karen, late din naman ‘yan ah?”
At ‘yan ang problema. Kapag hindi pantay-pantay ang implementation, nagkakaroon ng double standards. Kung may policy kayo on attendance, dapat consistent ang pag-implement. Hindi pwedeng case-to-case basis kung kailan mo lang feel ipatupad.
Lesson: Kapag nakita mo nang may pattern ng tardiness, kausapin na agad. Hindi yung aantayin mo pang maging habitual bago aksyunan. Pwede mong simulan sa friendly reminder bago umabot sa formal warnings.
Case #2: The Office Refrigerator Bandit
Eto na. May nawawalang baon sa pantry ref. Ilang beses nang nawala ang adobo ni Ana, ang carbonara ni Josh, at ang special ulam ni Ma’am Tess. Pero dahil walang nakakita, walang umamin. Hanggang sa isang araw, nahuli sa CCTV si Paolo na kumukuha ng pagkain.
Ang reaksyon ng HR? Tawanan sa office! Hindi naman daw seryosong offense, so deadma lang.
Pero teka—kung pinabayaan natin ito, ano ang message natin sa employees? Na okay lang magnakaw basta pagkain? Na hindi big deal ang small offenses? Hindi pwedeng ganyan.
Lesson: Hindi porket maliit na bagay eh hindi na dapat bigyan ng aksyon. Pwedeng magsimula sa private conversation para klaruhin ang sitwasyon. Kung seryoso ang kaso, pwedeng disciplinary action na.
Case #3: Ang Serial Absent
Si Gina, customer service rep, ay mahilig mag-absent nang walang paalam. Sa una, nagbigay lang ng excuse na “masama ang pakiramdam.” Pangalawa, “may emergency.” Pangatlo, “nasiraan ng sasakyan.”
HR initially ignored it kasi okay naman daw performance niya. Hanggang sa umabot na sa fifth unexcused absence, at doon lang nagdesisyon ang HR na bigyan siya ng warning.
Ang sabi ni Gina? “Eh dati naman hindi issue ‘yan! Bigla na lang kayo naging strict!”
Lesson: Kung may attendance policy, dapat first instance pa lang, i-address na. Hindi yung aantayin pang lumala. Kung may pattern ng absenteeism, take action early.
Ang HR Dapat Hindi Lang Pampaganda ng Policy Book
Sa HR, hindi tayo nandito para lang mag-print ng policies at ipaskil sa bulletin board. Dapat naiintindihan, na-eenforce, at nasusunod ang mga ito. Otherwise, para lang tayong may peke o “display” rules na walang silbi.
Paano Maging Fair and Firm?
- Be Clear from Day 1 – Sa onboarding pa lang, ipaliwanag na ang rules. Huwag hintayin na lang nilang madiskubre ang policies kapag may violation na.
- Be Consistent – Kung may policy, ipatupad ito sa lahat, regardless of position or tenure.
- Be Reasonable – Huwag agad-agad mag-terminate sa first offense kung hindi naman grabe ang violation. May mga verbal and written warnings for a reason.
- Communicate Properly – Huwag bara-bara. Kapag nagbigay ng corrective action, dapat may context at clear expectations moving forward.
- Document Everything – Huwag umasa sa chismis o verbal agreements. Kung may incident, isulat. HR that doesn’t document is HR that doesn’t exist.
Final Thoughts: Pag HR ang Kalaban, Walang Nanalo
HR is not about punishing people. Ang role natin is to create a workplace that’s fair and functional. But fairness isn’t about being lenient—it’s about making sure rules apply to everyone, at hindi lang sa mga “bagong hire” o sa mga hindi close sa management.
Kung may policy tayo, let’s make sure it’s alive, working, and making a real impact. Otherwise, para lang tayong nagsusulat ng rules sa buhangin—konting alon lang, burado na.
Because let’s be real—ang HR na hindi marunong magpatupad ng sarili niyang rules, hindi HR.


0 Comments