Gen AI in HR: Hindi Ka Papalitan ng AI, Pero...

Sa dami ng usapan tungkol sa Artificial Intelligence (AI) at automation, marami pa rin ang nag-aalala: "Mapapalitan ba ako ng AI sa trabaho?" Pero sa totoo lang, AI won’t replace you—pero baka mapalitan ka ng taong marunong gumamit ng AI. At bilang HR professionals, hindi lang natin kailangang sumabay sa agos, kundi tayo mismo ang dapat manguna sa pagbabago. Gen AI: Ano Ito at Bakit Kailangan Natin Ito sa HR? Generative AI (o Gen AI) ay isang uri ng AI na kayang gumawa ng content—mula sa text, images, voice, hanggang sa code at data analysis. Ibig sabihin, hindi lang ito simpleng chatbot o automation tool; kaya nitong mag-isip (to some extent), mag-synthesize ng data, at tumulong sa decision-making processes. Sa HR, ang dami nitong potential applications, tulad ng: Talent Acquisition & Recruitment – AI-powered screening tools tulad ng ChatGPT at HireVue na kayang mag-analyze ng resumes at sumagot sa initial candidate inquiries. Employee Experience & Engagement ...